Mabuhay!

Pasyalan sa Internet ng mga Estudyante ni JOHN IREMIL E. TEODORO

Saturday, December 11, 2010

Sa Mga Hindi Nakapanood ng Kuwerdas ng Panahon

Sayang at wala kayong dagdag na 20 puntos para sa darating na prelim na pagsusulit. Sayang din at napakaganda ng konsiyerto. Sayang din at maganda ang arkitektura at disenyong interyor ng Tanghalang Pasigeno. Sayang at sana nakita at nakatalamitam ninyo ang Pambansang Artista para sa Literatura na si Virgilio Almario, a.k.a. Rio Alma, na nanood din.

Henewey, heto ang inyong gagawin.

1. Pumunta sa isang mall ngayong Christmas rush.
2. Mag-obserba at gamiting maigi ang inyong limang pandama.
3. Isulat sa notbuk ang mga obserbasyon. Gumamit ng tayutay para dito.
4. Ang mga tala sa notbuk ang gagawing sanaysay na paglalarawan. Sundin ang nakasulat sa inyong hand-outs.
5. Isumite ang isang pahinang unang borador ng sanaysay sa Disyemnbre 15 o 16, 2010.

Enjoy sa pag-shopping!

-Sir John

1 comment:

  1. sir, pano po kami?mayroon po kaming klase sa oras na iyon. puwede po ba humihingi ng ibang gawain para magkaroon din kami ng 20 na puntos?

    ReplyDelete